Saan isusuot ang gemstones?

Naniniwala ang mga Indian na dapat ay nasa tamang daliri ang isusuot na gemstone upang maging epektibo itong pampasuwerte. Narito ang listahan ng mga bato at kanilang pangalan sa wikang Indian:

Index finger (Hintuturo): Yellow Sapphire ay dapat na nasa hintuturo. Ang iba pang dapat isuot sa nabanggit na daliri ay Pearl, Topaz, Coral  at Moon stone. Jupiter ang planetang kumokontrol sa hintuturo. Iniuugnay ito sa stomach or respiratory system.

Middle finger: Saturn ang naghahari sa  middle finger. Blue Sapphire, Hassonite, Cat’s eye, Moonstone at White Pearl ang dapat isuot dito. Ang middle finger ay iniuugnay sa brain, mind, intestines and liver.

Ring finger: Ang Sun ang kumukontrol sa palasin-singan. Ruby, Pearl, Moon stone, Red Coral at Yellow Sapphire ang compatible sa daliring nabanggit. May kaugnayan ang palasinsingan sa stomach, blood circulation, kidneys at respiratory system. Mga gemstone at crystal na white at red ang puwede rin isuot dito.

Little finger (Hinliliit): Mercury ang kumokontrol sa hinliliit. Isuot dito ang Emerald, Green Jade, Diamond and Zircon. Ang hinliliit ay may kinalaman sa legs, feet at genitals.

 

Show comments