Uso ngayon ang sipon dahil sa malamig na panahon.
Sinasabing makakatulong daw ang sex para mawala ang sipon.
Pero hindi ibig sabihin na sex ang gamot sa sipon.
Sa mga research para makahanap ng panlaban o gamot sa sipon, natuklasang nakakatulong ang sex para gumanda ang pakiramdam ng may sipon.
Ang mga movement na ginagawa sa sex ay lumilikha ng pagyugyog o pag-indayog na galaw na kahalintulad sa ginagawa sa pagmamasahe na nakakabawas ng edema, nakakadagdag ng lymphatic drainage, pinapaluwag ang chest congestion at nagre-release ng tension sa muscles.
Ang sensation ng touch ay nagpapataas ng emotional well-being. Positibo ang pakiramdam ng isang tao, nakakaramdam ng pagmamahal at pakiramdam na secure na bumubura sa down o depressed feelings na nararamdaman kapag may sakit.
Ang orgasm ay nagpapataas ng endorphins na nagpapagaling sa taong may sakit.
Ang sexual activity ay nagpapataas ng muscles tension at ang sexual activity ending na nagtatapos sa orgasm ay nagiging daan para mag-release ang muscle na dahilan para makatulog ng mahimbing pagkatapos.
Ang mga deeper thrust ay parang massage technique na tinatawag na cupping na nagpapaluwag ng chest congestion at nagiging sanhi ng pag-ubo.
Ang lagnat ay madalas na sanhi ng sipon. Kaya kung ang may sakit na tao ay may kadikit na katawan, gumaganda ang kanyang pakiramdam.
Kung madalas makipag-sex, nababawasan ang panganib na magkasakit kaya kung makikipag-sex habang may sakit, nababawasan ang pagtatagal ng sakit dahil lumalakas ang immunity.
Ang pakikipag-sex ay nagpapababa blood pressure na maganda sa kalusugan ng isang tao.
Ang sex ay isang exercise, nare-release ang toxins mula sa muscles.
Ang paghingal o paghinga habang nakikipag-sex ay nagpapatuyo ng bibig kaya malaki ang posibilidad na uminom ng tubig ang partner na may sakit.