Alam n’yo ba na ang pagngiti habang ikaw ay nagtatrabaho ay nagpapakita na ikaw ay isang taong may kumpiyansa sa sarili?
Indikasyon kasi itto na kaya mong hawakan ang anumang problema sa iyong trabaho na hindi ka mahihirapan. Nagbibigay din ang pagngiti ng pagkakataon na ikaw ay ma-promote sa iyong trabaho. Ang pagngiti ay naglalabas din ng serotonin at endorphin na siyang natural pain killer ng katawan. Dahil dito, hindi agad sasakit ang iyong ulo sa iyong trabaho. Napakadali magpalabas ng mga hormones na ito. Ngumiti ka lang!