IBA na ang naiisip ni Russell tungkol kay Avery. “Siguro nga ay patay na siya, ang nakikita ko ay ang kanyang ispiritu, Avery’s ghost.”
May basihan si Russell. “Di ba nga nakikita ko ang spirit ng mommy ko... may kakayahan akong makakita ng kaluluwa...”
Napapailing si Russell. Nanghihinayang sa natagpuang pag-ibig.
“Hindi na pala magkakaroon ng katuparan ang love story namin... nasa ibang mundo na si Avery...”
“What now?” naitanong ng binata sa sarili, “tapos na ba ang pag-ibig kong hindi man lang nagkaroon ng liwanag?”
Hindi na nakadungaw sa bintana ng kanyang pad si Russell, nakaupo na sa easy chair sa living room.
Narinig niya ang musika mula sa component radio. Kanta ng sikat na Pinoy singer na lalake.
“... Namamasyal pa sa Luneta...”
Pinatay agad ni Russelll ang component. KLIK.
“I hate that song,” bulong ni Russell. Hindi niya alam kumbakit inis siya sa popular na kanta ni Rico J.
SA MUSOLEYO, napilitang manghiram ni Tita Soledad ng panty kay Avery.
Magkaiba pa naman sila ng sukat, mataba kaysa kay Avery ang tiyahin. Sa pagpipilit na maisuot ang panties, nawarak iyon sa tabi.
Kriipp.
“Buwisit. Bad quality ang panty mo, Avery!”
Gayunma’y pinaubra ng tiyahin ang saplot ng pagkababae. “Nasaan na nga ba tayo, Avery?”
“Kailangan ko na hong mamatay as in patay na talaga.”
“Nasa iyo naman ‘yan, Avery. There are a thousand and one ways to die. Piliin mo na lang ang gusto mong kamatayan.
“Sabi nga, choose your own poison!”
Napalunok si Avery. Paano ba siya magpapakamatay?
“Ang patay bang tulad ko, Tita Sol, ay mamamatay pa? Hindi kaya bahagi na ito ng parusa ko after death?”
Binasag ni Tita Sol ang drinking glass na kristal. KRAASPLIINK.
Minartilyo nito ang bubog, pinino. POK-POK-POK
“Lulunin mo itong bubog, Avery!” utos ng tiyahin. (ITUTULOY)