May asawa na pala ang pinakasalan

Dear Vanezza,

I just got married a few months ago, and now I discovered that the guy I gave my heart to is already married to someone else. I know that my marriage with him is legal because I was the one who personally arranged it. It was even the pastor of our church who officiated our simple garden wedding. Alam ko na may anak siya sa Amerika sa isang babaeng hindi naman siya kasal. But lately, natuklasan ko na mayroon din siyang pamilya sa Pilipinas at kasal siya sa ibang babae. Over forty na siya samantalang ako’y wala pang thirty. I fell for him because I thought that at his age, responsible siya at ideal na maging asawa, pero nagkamali pala ako. Mali pala ang ginawa kong pagpapakasal sa kanya. Ano po ang gagawin ko? - Tyna

Dear Tyna,

Dapat sana’y nag-background check kang mabuti bago mo siya pinakasalan. The fact na alam mong may anak siya sa Amerika at may kinasama ay dahilan para pagdudahan mo ang kanyang pagkatao. Pero nariyan na ‘yan at sadyang ang pagsisi ay laging nasa huli. Ang magagawa mo ay kumonsulta sa abogado for the possibility of having the marriage annulled. Matibay ang ground mo at ‘yan ay ang previous marriage niya. Puwede ka ring magdemanda ng bigamya dahil criminally liable siya sa ginawa niyang doble-kasal.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments