Dear Vanezza,
Isa na akong biyuda at may tatlong anak na mag-isa kong itinataguyod. Dasal at tibay ng loob ang aking laging sandalan. Nagpapasalamat ako sa Dios sa tulong niya sa akin kaya ako nakakarekober. May mga nagtatanong kung hindi raw ba ako mag-aasawang muli para may katuwangin ako sa pag-aaruga sa aking mga anak. Kahit sumasagi sa isip ko ang ideyang ito ay mas minabuti kong panatilihing sarado ang aking puso. Tama ba ang desisyon kong ito? - Audi
Dear Audi,
Desisyon mo iyan na hindi ko maaaring salungatin. Pero kung magpasya kang mag-asawang muli, wala akong nakikitang hadlang dahil malaya ka na sa pagkamatay ng iyong asawa. Pero mababaw na dahilan kung mag-aasawa ka dahil gusto mo lang magkaroon ng katuwang sa pag-aruga ng iyong mga anak. Kailangan kung kukuha ka ng kapalit ng iyong asawa, dapat may namamagitang pag-ibig. Sakaling iibig muli, maging maingat at isaalang-alang din ang kapakanan ng iyong mga anak.
Sumasaiyo,
Vanezza