Pagbabago para mas gumaling sa sex

Kung ang iyong pagiging overweight ang dahilan ng pagbaba ng iyong sex drive, simpleng pagbabago lamang sa iyong life style ang solusyun na makakatulong din sa iyong overall health. Ayon sa mga eksperto, ang pagbabawas ng 10 pounds at nakapagpapalabas ng  testosterone  na magi­ging malaking tulong sa iyong love life.

Kailangan din ng pagbabago sa diet. Low-fat diet ang gawin. kumain ng maraming prutas at gulay na nakakatulong para ma-control ang blood sugar at cholesterol para mag-improve ang iyong sex drive kahit na hindi magbawas ng timbang.  Ayon sa mga eksperto, kapag “healthy living” ka  mas napapangalagaan ang katawan at mas nag-i-improve ang sex life. Mas nakakatulong ang healthy diet kahit hindi na magbabawas ng timbang.

Mga exercises na hindi pang weight loss kundi pampataas ng circulation sa genitals ay malaking tulong para sa mga babae. Ito ay yoga, brisk wal­king o cycling ng 20-minutes tatlong beses sa isang linggo  ay makakatulong sa circulation sa genitals.

Ang resulta nito ay mas magkakaroon ng lubrication, mag-i-improve ang arousal at mas magandang orgasmic function.  At siyempre ang pagbabalik ng iyong sexual desire.

Inirerekomenda rin ang  light erotic reading ng 20 minutes tatlong beses sa isang linggo para magbalik ang interes sa sex para mag-improve ang sex drive at desire. Hindi magiging isyu ang pagiging mataba kung maganda ang pakiramdam sa sarili at kung laging feeling sexy ka.

 

Show comments