Lumilipad na Kotse

Panaginip: Ano po ang ibig sabihin na lumilipad ang kotseng sinasakyan namin ng aking Daddy? Patay na si Daddy in real life. Ano rin po ang panaginip na nahulog ako sa manhole pero nag-end-up akong nalulunod sa dagat?---K8

Interpretation: Pangingibang bansa ang ibig sabihin ng lumilipad na kotse. Ang nahulog sa manhole at pagkalunod sa dagat ay indikasyon na nasasaktan ang loob mo sa mga nangyayari sa iyong buhay ngunit itinatago mo ito sa publiko. Gusto mong ipakita na hindi ka apektado sa masamang nangyari sa iyo.

Show comments