Fresh energy sa bedroom

Narito ang paraan upang mapanatiling fresh and positive ang energy sa bedroom:

Ibilad lagi sa araw ang mga unan na ginagamit sa pagtulog. Gawin ito once a month—magsindi ng insenso sa loob ng bedroom at umikot ng clockwise sa paligid ng kama. Makakatulong ito para mag-improve ang samahan ng mag-asawa.

Iwasang maglagay  ng lumang damit, libro, album o anumang personal na gamit sa ilalim ng papag.

Huwag maglalagay ng mirror sa harap ng bed.

Hanapin kung nasaan ang southwest direction sa inyong bedroom. Maglagay sa direksiyong ito ng natural crystal.

Mag-spray ng tubig sa paligid ng kuwarto para manatiling fresh ang hangin umiikot sa bedroom.

Gumamit ng yellow color sa southwest.

Maglagay ng maliwanag na ilaw sa southwest.

Maglagay ng tubig sa timba. Ibilad ito sa full moon magdamag. Ang tubig na ibinilad sa liwanag ng buwan ang mainam na gamitin sa paglilinis ng bedroom.

Show comments