Benepisyo ng pakikipagrelasyon

Maraming benepisyo ang palagiang pagsasama ng dalawang mag-partner, maaaring kayo ay mag-asawa o mag-bf/gf. Dahil kahit na anong gawin ninyo ay nagbi-burn kayo kapwa ng calories. Narito ang ilang couple activities na kapwa kayo magbebenepisyo:

• Ang sampung minutong paglalakad ng magkasama ay maaari ng magtunaw ng 28-calories.

• Kapag kayo ay magkayakap at nagpapagulung-gulong sa buhanginan o kahit sa sahig sa loob ng sampung minuto ay mawawala na sa’yo ang 50-calories sa katawan.

• Kapag nakikipaghalikan ka sa iyong partner nasusunog naman ang 40-calories sa’yo.

• Kapag minamasahe ka ng iyong partner, nagbi-burn ka naman ng 48-calories lalo na kung kayo ay mula sa isang mainit na pagtatalik.

• Torrid kissing. Kapag ikaw ay nakikipaghalikan sa loob ng sampung minuto at halos hindi ka na makahinga, natutunaw sa’yo ay 59-calories at milyong beses kang tiyak na nagiging sexy sa paningin ng iyong partner.

Show comments