Paano magkaroon ng kumpiyansa?

Minsan mahirap makamit ang kasiyahan sa buhay. Ngunit ang hindi alam ng marami ang tunay na kasiyahan ay makukuha mo lang kung mayroon kang tiwala sa iyong sarili o kumpiyansa.  Paano nga ba makukuha ito? Narito ang ilang paraan:

Purihin ang iyong sarili – Hindi mo naman kailangan ipagsigawan sa buong mundo na ikaw magaling. Minsan kailangan mo lang na tapikin ang sarili mong balikat at ipaalala sa iyong sarili na may mga nakamit ka rin sa iyong buhay. Ang ipaalala sa iyong sarili ang iyong mga abilidad at naabot ay tiyak na makakapagpaunlad na ng iyong kumpiyansa.

Hanapin mo ang magagandang bagay sa’yo – Kailangan mong sabihin sa iyong sarili na hindi ka lang basta tao dahil ikaw ay mayroon din naman talento, kaalaman at abilidad. Minsan kailangan mo lang bigyan ng reward ang iyong sarili sa pamamagitan ng  paggawa minsan ng kahit na maliit ngunit kapakipakinabang na bagay.

Tanggapin ang sarili – Anumang bagay na mayroon ka ay dapat mong pasalamatan. Dapat mo rin tanggapin na may mga taong tunay naman na nakahihigit sa’yo. Hindi mo sila dapat kainggitan at hindi ka rin dapat magmalaki sa mga taong tingin mo ay mas mababa naman sa’yo.

Patuloy na matuto – Kung sa tingin mo ay kulang ka pa sa kaalaman, mas mabuti pa rin sa’yo ang mag-aral ng mga bagong bagay. Kapag nakita ng mga tao na  umunlad ang iyong mentalidad, hahanga sila sa’yo. Ang paghangang ito ay makakapagdagdag pa rin ng kumpiyansa sa’yo.

Maging positibo – May mga bagay at tao na nakakapagdulot sa’yo para bumaba ang iyong self esteem, kaya dapat mo silang iwasan. Sumama sa mga taong my positibong pananaw.

Show comments