Alam n’yo ba na si John Bain ng Wilmington, Delaware ang may hawak ng record na nakagawa ng pinakamalaking rubber ball sa buong mundo? Ito ay may bigat na 2,508 libra, may taas na 4 ¾ feet at binuo niya sa loob ng tatlong taon at dalawang buwan. Ang materyales na kanyang nagastos ay umabot sa US$8,000. Ginamitan niya rin ito ng 350,000 rubber bands. Si Christopher Columbus ang nakadiskubre ng “natural rubber” sa Haiti kung saan nakita niya ang mga katutubo dito na naglalaro ng bola na gawa mula sa isang puno na tinatawag nilang “cau-uchu”.
Ipinagdiriwang sa Benton, Kentucky ang piyesta ng kamote at ito ay tinatawag nilang “Tater Day Festival”. Ito ay ipinagdiriwang ng tatlong araw sa loob ng isang taon. Ang piyestang ito ay bilang pagkilala at pagpaparangal sa kamote.