Ang babaing kinakain ang lahat (68)

SI CHONA, ang bagumbagong misis, ay hindi na nagisnan ang brandnew husband na si Oscar.

Masaganang dugo na lamang ng mister ang kanyang inabutan dito.

Nag-iiyak na naman ang misis, hindi matanggap na naglaho na sa kanyang piling ang lalaking pinakasalan ilang oras pa lamang ang nakararaan.

“Hindi ko malilimutan na kinain ng hayup na babaing ‘yon ang ano mo, Oscar! Ipabibitay ko siya!”

Ang ‘ano’ ni Oscar na binabanggit ni Chona ay ang ‘bird’ ng mister. “Isisigaw ko sa buong mundo ang walang katulad na kalupitan ng babaing ‘yon!” deklara ni Chona.

DUMULOG ang bagumbagong biyuda sa KMBA, ang Kapisanan ng Mga Babaing Api. Humarap sa media si Chona.

“What is most cruel, walang pangalawang kalupitan ng babaing ‘yon, ay ang pagkain kay Oscar nang buhay. Oh my God! Oh my God!”

Sinundan ito ng hagulhol ni Chona.

At ng ilan pang detalye. “My poor husband, hindi man lang namin nagawa ang unang pagtatalik.

“Ang iniingatan kong pagkababae, na si Oscar ang dapat makapitas, ay nanatiling hindi napipitas.”

Napaiyak ang mga nakikinig, sa awa kay Chona. Wala yatang mata ang hindi nahilam ng luha.

“Ladies and gentle persons of KMBA, nakikiusap po ako na magdeklara tayo ng giyera laban sa babaing ito na kumakain ng lahat!” pangwakas na salita ni Chona sa kapisanan.

SA PAGSISIKAP ng mga alagad ng batas, nakabuo ng cartographic sketch ng babaing nangangain ng lahat.

Kahit paano ay may mukha na sa publiko si Tatiana.

Pero hindi alam ng publiko na Tatiana ang ngalan ng babaing mapanganib, liban sa tatlong tao—sina Sophia at Almario at Dexter. (Itutuloy)

Show comments