Mabilis na pagtaas ng timbang
Maaaring maging sanhi ng stretch marks kapag mablis na tumaas ang timbang sa loob ng maiksing panahon.
Ang stretch marks ay nanatili kahit ang timbang ay bumaba na ngunit kumukupas din naman ito.
Kailangan lang na pababain ang timbang at gawin ito ng dahan-dahan upang hindi mapuwersa ang balat.
Nagkakaroon ng stretch marks ang mga Bodybuilders at athletes dahil sa paglaki ng mga kalamnan nila.
Pagdadalaga at pagbibinata
Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ang katawan ay nade-develop at nababanat. Ang mga kalalakihan ay maaaring magka-stretch marks sa balikat at likuran sa mga kababaihan naman ay sa balakang, hita at suso.
Family history
Kapag may mga kamag anak na may stretch marks kagaya ng nanay ay malaki ang tsansang magkaroon nito. Bagamat maaaring magkaroon ng stretch marks ang mga kalalakihan ngunit karaniwan ito sa kababaihan.