Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang Bay leaves o dahon ng laurel ay mula sa evergreen tree? Sa bansang Turkey at Italy, ginagamit ang tuyong dahon ng laurel para ipambalot sa licorice kapag ibi­nabiyahe ito sa barko. Noong unang panahon sa Greece at Rome, ginagamit ang bay leaves at maliliit na sanga nito sa paggawa ng korona para sa nanalo sa anumang kompetisyon. Ang mga tinatanghal na champion sa Olympic games ay nagsusuot  ng garlands na gawa sa dahong ito. Ang ibig sabihin ng salitang “Baccalaureate” ay “laurel berries na simisimbolo sa tagumpay at pagtatapos ng isang pinag-aaralan.  Ang dahong din ito ang isinusuot ng magagaling na manunula at scholars kapag nabibigyan sila ng academic honors. (mula sa www.foodreference.com)

Show comments