‘Elephantiasis’ (1)

Karaniwan sa mga kanayunan kapag may lumaking bahagi ng katawan ay iniisip na sila ay nanuno o pinakulam ng kanilang nakaaway na tao ngunit ang hindi nila alam ay baka sila ay may impeksyon na sa kanilang katawan na katulad ng elephantiasis. Ano nga ba ang sanhi ng sakit na ito at bakit masyadong pinahihirapan nito ang taong may ganitong sakit? Naririto ang ilang impormas­yon na makapaglilinaw ng ating kaisipan ukol sa sakit na ito:

Elephantiasis -  Lymphatic filariasis, isang mosquito-borne parasitic disease na sanhi ng maliit na uod na tumitira sa human lymph system. Nakilala rin ito sa mabilis na paglaki ng braso at paa ng mga tao na infected nito.

Ang parasitikong uod na ito ay responsable  sa mga sakit na kagaya ng Wuchereria bancrofti, Brugia malayi, at B. timori. Apektado nito ang 120 million tao sa buong mundo at 40 million dito ay nasa antas ng malalang karamdaman.

Kapag infected ng kagat ng babaing lamok, ang isang tao ay maaaring masalinan ng larba na tinatawag na microfilariae sa dugo. Ang microfilariae ay dumarami at kumakalat sa sirkulasyon ng dugo na nabubuhay at nanatili sa loob ng maraming taon. Karaniwan ang sintomas nito ay hindi lumalabas isang taon pagkatapos maimpeksyon. Dumarami ang parasitikong ito at maaaring mapigilan nito ang sirkulasyon at mabara ang mga likido sa iyong katawan. Ang karaniwang senyales ng impeksyon ay sobrang paglaki ng braso, hita, genetalia at suso. (Itutuloy)

Show comments