MANILA, Philippines - Maraming kinikilalang gods and goddesses sa Greek Mythology at para sa kaalaman ng ilang mag-aaral narito ang ilan: Si Poseidon. Siya ang kinikilala bilang “god of sea” at nagbibigay proteksiyon sa lahat ng anyong tubig sa daigdig. Si Poseidon ay kapatid ni Zeus. Dahil dito, sinasamba ng mga mangingisda o mga taong nananatili sa tubig si Poseidon. Naging asawa niya si Amphitrite, ang apo ng Titan na si Oceanus. Trident ang tawag sa sandata ni Poseidon. Kaya niyang yanigin ang daigdig at anumang bagay dito. Ikalawa siya kay Zeus sa pinakamakapangyarihan sa lahat ng gods. Si Poseidon ay maituturing na palaaway at sakim