Ang tamang paggamit ng mirror sa bahay bilang fengshui tool ay nagdadala ng suwerte kung ito’y gagawin nang tama.
Kapag gagamit ng mirror para gawing mirror wall, ito ay dapat na buo at hindi maliliit na pirasong pinagdikit-dikit lang. Hindi magandang tingnan ang reflection sa putol-putol na salamin. Magmumukhang tsinap-chop ang katawan.
Huwag maglalagay ng mirror sa tapat ng main door. Ang Chi (good energy ) na pumasok ay agad na lalabas ng bahay.
Magandang maglagay ng mirror sa bintana ng salas kung may mare-reflect na magandang tanawin ng body of water kagaya ng ilog at lake sa labas ng bahay. Ang tubig ay simbolo ng kayamanan. Para mo na rin dinala sa loob ng bahay ang kayamanan.
Hindi rin dapat nare-reflect sa mirror ang hagdan, lutuan o toilet. Hagdan—hindi makakaakyat ang Chi sa itaas ng bahay. Lutuan—magiging dahilan ng sunog. Toilet—palalabasin mo ang negative energy sa toilet na dapat sana’y kasamang napa-flush tuwing magpa-flush ng dumi.
Hindi dapat nakatapat ang mirror sa taong nakahiga sa bedroom. Magiging balisa ang taong namamahinga kaya’t mabubulabog ang kanyang pagtulog.