Pinakamalakas na ‘sex organ’

Kung iniisip ninyong ang penis o vagina ang pinaka-powerful sex organ ay nagkakamali kayo.

Ang totoo, ang ating brain ang pinaka-powerful na sex organ. Kahit anong kainin mong aphrodisiac o kahit anong inumin mong gamot para ganahan sa sex kung wala sa mood sa pakikipag-sex ay walang mangyayari. Kaya nga mayroong tinatawag na brain orgasm. Kahit walang contact ay puwedeng mag-orgasm. Basta mayroong visual at auditory stimulation ay maaaring mag-orgasm. Nai-stimulate ang brain kapag nakakakita o nag-iisip ng sexual acts o porn o kung nakakarinig ng mga halinghing.

Kailangan lang mag-concentrate maigi kapag ginagawa ito para maabot ang orgasm. Marami ring hype tungkol sa aphrodisiacs o mga pagkaing nag-i-stimulate ng sexual desire.

Maraming eksperto ang nagsasabing nagkakaroon ng effect ang mga sinasabing aphrodisiac foods dahil naniniwala tayong epektibo ang mga ito. Ang pag-iisip pa lang na kumain ka ng aphrodisiac food ay nakaka-stimulate na. Ganito lang ‘yan, kapag nag-isip ka ng pagkain ay natatakam ka, parang sex din ‘yan, kapag nag-isip ka ng pakikipag-sex, naa-arouse ka.

Show comments