Ang babaing kinakain ang lahat (49)

MAGDE-DATE sina Tatiana at Giorgio sa gabing iyon, saktong 7-PM. Walang kamalay-malay ang maykayang binata na ito ay kakainin ni Tatiana a.k.a. Bangekngek o Bangs.

Si Giorgio ay may lihim na motibo—ang maikama ang mapang-akit na dalaga matapos mag-dinner.

Anyway sa loob-loob ni Giorgio, walang pakialam ang boss nitong si Almario sa buhay nito after office hours.

Ang hindi alam ni Giorgio, nakababasa ng isipan ang dalagang nais isahan; lalong hindi alam ni Giorgio na si Tatiana o Bangs ay taga-ibang planeta.

Napapangisi lang sa sarili si Tatiana, sinasarili ang nasa isipan. “Ang ulul at nais pala akong romansahin nang libre. Well, tingnan natin kapag kinakain na kita nang buhay, lover boy”.

Nasa porch sila ng office, nakatunghay sa namumulaklak na mga halaman.

“Magnet ka ba, Bangs?”

“Hindi, Giorgio. Bakit?”

“Kasi’y kanina mo pa ako na-attract”.

“Ohh...how sweet naman.” Kaylapit ng mga labi nila sa isa’t isa.

Sanay magnakaw ng halik ang binata, nahagkan agad si Tatiana sa mga labi. May ungol pang kasama.  HUMMPP.

Bumulong ang mabilis na binata. “Tonight, Bangs, dadalhin kita sa Paraiso”.

Ngumiti ang babaing alien,  sa isipan sumagot. “Tonight, Giorgio, dadal­hin kita sa tiyan ko”.

SA office, nag-aalalang hinanap na ni Sofia ang anak na alien.

Ang nakita niya ay ang mensaherang ginawang buhay na manikin ni Tatiana. Napasigaw si Sofia sa pagkabigla. “EEEEK!”

Dinaluhan siya ni Almario at mga empleyado. Napansin din ang pagkawala ng mga goldfish at tubig sa aquarium. (Itutuloy)

Show comments