Sekreto ay mabibisto

Panaginip: Maayos ang aking bihis nang umalis ako ng bahay pero pagdating ko sa office namin, naging marumi ang aking damit at may sira pa. Tumawag ako sa bahay para magpadala ng damit sa aming maid pero hindi ako makakontak. Litung-lito ako sa nangyayari sa akin. – Dahlia

Interpretation: Ang sirang damit ay nagpapahayag na isang sekreto mo ang mabibisto. Makakaranas ka ng pangyayaring magdudulot sa iyo ng kalungkutan. Mag-ipon. Magtipid. Magigipit ka sa pera sa nalalapit na araw.

Show comments