‘Tinnitus’ (1)

May naririnig ba kayong mga tunog sa inyong tenga na parang nagre-ring o ingay na hindi naman naririnig ng ibang taong inyong kasalamuha? Maaaring kayo ay may tinnitus na. Ang salitang tinnitus ay galing sa salitang Latin na ibig sabihin ay “ringing”. Isa itong static noise sa auditory system na maaaring sanhi ng pagkawala ng pangdineg. Naririnig ito sa isang bahagi ng tenga, sa parehong bahagi o sa gitnang ulo. Ang tunog o ingay na maririneg ay mahina hanggang sa matinis na malakas at ang ingay nito ay maaaring isa o dalawang klase. Puwede ring magpatuloy o magpabalik-balik ang ingay na naririnig.

Ang karaniwang sanhi ng tinnitus ay pinsala ng  mataas na frequency dahil sa exposure sa malakas na ingay, mataas na dosage na iniinom na gamot.

Show comments