Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong mga benepisyo ang maaaring makuha sa pagkain ng alimango o crab. Narito pa ang ilan:
Omega-3 fatty acids – Dahil ang crab ay gaya rin ng ibang lamang dagat, mayaman ito sa omega-3 fatty acids na nakukuha nito mula sa phytoplanktons at algae. Nakakatulong ang omega-3 fatty acids para hindi lumapot ang dugo sa iyong katawan. Malaki rin ang maitutulong nito para mapababa ang iyong tri-glyceries at LDL na siyang bumabara sa iyong arteries. Maging sa utak ng tao ay may epekto rin ang omega-3 fatty acids. Mahusay itong pangontra para di agad dapuan ng alzheimer’s disease at iba pang sakit gaya ng hypertension, arthritis at depression.
Folate – May taglay na folate din ang crab meat na tumutulong naman para sa iyong central nervous system at mababa ang taglay na mercury na delikado sa tao.