1 – Iwasang gumamit ng red at yellow color sa kitchen at dining room. Ang mga kulay na ito ang nagdudulot ng pakiramdam na nagugutom.
2 – Gumamit ng blue plate. Sa isang pag-aaral na ginawa ng restaurant owners sa USA, feeling busog at satisfied ang mga kostumer na kumain sa blue plate kahit kaunti lang ang pagkain per order.
3 – Huwag gamitin ang kitchen door sa pagpasok sa loob ng bahay. Pagkain kaagad ang isasaisip mo kapag napadaan ka sa kitchen.
4 – Ipamigay ang mga lumang damit. Ang pag-iingat ng mga lumang damit ay simbolo ng iyong old behaviour pattern. Kailangang baguhin ang behaviour pattern upang magtagumpay sa pagpapapayat.
5 – Maglagay ka ng mirror sa lugar ng iyong bahay kung saan ka lagi nagtatrabaho.Ito ang magpapaalala kung gaano ka na kataba.
6 – Ilagay ang refrigerator sa lugar na hindi mo ito lagi makikita. Nagpapaalala ang refrigerator ng pagkain.