Lucky Color Per Day (2)

Malalaman mo ang number energy na na-ngingibabaw sa isang araw sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng kasalukuyang petsa: Halimbawa: October 13, 2014 = 10 + 13 + 20 + 14 = 57 = 12 = 3. Kung ano ang kulay na magbibigay ng good luck sa number 3, iyon dapat ang isuot sa nasabing araw.

Day 3. Ang Lucky Color ay Yellow

Kung ang iyong activity sa Day 3 ay natapat sa pagkuha ng exam, pagtuturo, public speaking  o anumang activity na may kinalaman sa communication at talino, magsuot ng yellow para lalong maging aktibo ang isipan at mahusay sa pagsasalita.

Day 4 . Ang Lucky Color ay Green

Planuhin ang paghahanap ng trabaho sa Day 4. Green ang isuot kung ang lakad mo ay may kinalaman sa career. (Itutuloy)

Show comments