Buhok (1)

Marami sa ating mga kalalakihan ang nababahala sa pagkawala ng kanilang buhok. Ang buhok kasi ay nakapagbibigay ng maayos na postura pero kung napapanot ay unti-unting nakakabawas ng self steam mapababae man o lalaki. Maaaring isa ka sa marami na gumugugol ng panahon araw-araw sa harap ng salamin habang maingat na sinusuri ang kanilang buhok. Ang mga lalaki at babae ay parehong interesado sa kanilang buhok, at kung minsan ay maaari itong pagmulan ng pagkabahala.

Mga impormasyon ukol sa ating buhok

Kapag katamtaman lang ang buhok may mga 100,000 hibla ng buhok sa iyong ulo. Ang isang hibla ng buhok ay patuloy na lumalago sa loob lamang ng dalawa hanggang anim na taon, hindi habang panahon. Pagkatapos ay nalalagas na ito, at pagkaraan ng isang yugto ng panahon ay tutubo ang isang bagong buhok sa butas ding iyon. Mga 70 hanggang 100 hibla ng buhok ang normal na nalalagas araw-araw.

Show comments