Alam n’yo ba na noong 17th century, ang asin ang nangungunang cargo na ibinabiyahe mula Caribbean patungong North America? Ginagamit kasi ito bilang pagkain ng mga alipin sa plantasyon ng asukal. Noon naman 1800, ang asin ay apat na beses na mas mahal kaysa sa primyadong baka. Ginagamit kasi ang asin bilang preservatives. Ang cream ay mas madaling haluin kung lalagyan ito ng isang kurot ng asin. Sa U.S., 6% lang ng asin ang ginagamit para sa pagkain at 17% naman para ipangtunaw sa mga snow sa kalsada.