Nakulong dahil sa pagtatanggol

Dear Vanezza,

 Binastos po kasi siya sa lugar namin matapos dumalo sa isang birthday party. Dahil bisita ko siya, idinepensa ko pero nakapatay ako ng hindi sinasadya. Sa kulungan, naramdaman ko ang labis na kalungkutan lalo pa at nalayo ako sa aking mga mahal sa buhay. Nakakalungkot din isipin na ang mga kaibigan na itinuturing kong kapatid ay unti-unting naglaho. Kaya ang aking pagkainip sa itinuon ko na lang sa pag-aaral dito sa loob, sa pag-asang maihanda ang aking sarili sa sandaling makalaya na. Sa kabila ng sinapit ko, umaasa ako na matutupad ko pa rin ang aking mga pangarap sa buhay. - Dante

Dear Dante,

Masuwerteng maituturing ang mga kaibigan mo sa pagkakaroon ng gaya mo na handa silang ipagtanggol matinding sakripisyo man ang kapalit. Pero lahat ng sobra ay makakasama. Katulad ng pagsasantabi mo sa sariling kapakanan, alang-alang lamang sa maliit na sitwasyong kinasangkutan ng isang kaibigan. Kung nagawa mo lamang kontrolin at panghawakan ang sandaling nabastos ang iyong kaibigan, wala ka sana sa kulungan. Sa pamamalagi mo diyan sa loob, sana’y natutunan mo na ang leksiyon. Ipagpatuloy mo ang pagpapakabuti at pagpapaunlad sa iyong sarili sa piitan. Hindi pa huli para matamo mo ang magandang kinabukasan sa iyong paglaya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments