Ang babaing kinakain ang lahat (23)

SAKAL nga ni Almario ang sariling leeg. Nagdilim ang kanyang isipan kaya nais nang mag-suicide.

Para siyang gago na nangangapos na ang hininga, ang mga mata ay nais lumuwa, ang dila ay lawit na.

“Aaahhh! Kaaahh!” daing ni Almario, sa ga-hiblang katinuan ng isip ay naisip na huwag nang ituloy ang pagpapakamatay!

Ibinagsak ang sarili sa mahabang sofa. KABLGG.

Naulinigan nina Sofia at Tatiana ang daing ni Almario.

Kinabahan ang maybahay. “Ano’ng nangyari sa ama-amahan mo?”

“Nais magpakamatay, sinakal ang leeg pero sa last minute ay naduwag. Buhay pa, Mommy”.

Dinaluhang muli ni Sofia ang mister. “My God, Almario! Naulul ka na ba talaga?”

“Ulul na po ang mister mo, Mommy,” natatawang sabi ni Tatiana.

Pinanlisikan ng mata ni Sofia ang anak na taga-ibang planeta. “Huwag kang bastos sa mister ko, Tatiana! You have no manners!”

“Magluto na po tayo, Mommy. Bayaan mong magpahinga ‘yang asawa mo”.

“Life is a gift, Almario. Pahalagahan mo naman ang regalo ng Diyos!”

Nakabusangol pa rin si Almario, hindi matanggap na nauuto ng babaing Lagay pala ay hindi masusunod ang utos niyang kumain ng graba si Tatiana?

Para namang nasagap ni Tatiana ang isipan ng ama-amahan.

Isinuot ang cap na may nakaletrang ‘GUTOM AKO’.

Lumabas ito ng bahay.

Kinabahan si Sofia.  “Tatiana, saan ka pupunta?”

“Manginginain ng graba, Mommy. Don’t worry po”.

Iyon nga mismo ang ginawa ni Tatiana. Dumakot ito ng  mga graba at isinubo sa bibig, parang ngumangalot ng biskotso.

NGA-A-LOTT. NGA-A-SABB.

Nanlumo si Sofia. Inis na pinuntahan sa salas si Almario.

“Hayun, sinunod ka ni Tatiana! Kumakain na ng graba ang anak ko, Almario! Masaya ka na ba?”

Dumungaw sa bintana ang ama-amahan.

Nakadama ng kasiyahan. Tuwang-tuwa na graba nga ang kinakain ng anak ni Garnuk. (Itutuloy)

Show comments