MANILA, Philippines - Ang olive oil ay isa sa mga ginagamit ngayon ng marami sa kanilang pagluluto dahil sa mabango at masarap na dulot nito sa pagkain. Kaya lang maraming maling paniniwala sa paggamit ng olive oil gaya ng mga sumusunod:
Ang olive oil ay hindi prutas - Ang olive ay prutas kung saan dito kinakatas ang langis. Ang tunay na katas nito ay mapait kung hindi pa dumaraan sa proseso.
Mataas ang calories – Maraming nagsasabi na nakakataba at hindi mabuti sa kalusugan ang olive oil. Pero, sa mga pag-aaral ang “extra virgin olive oil” ay tunay na may mababang antas ng fat.
Hindi maaaring gamitin na pangprito – Dahil sa mababang fat na taglay nito, mahusay itong gamitin bilang pang prito at nagbibigay ito ng masarap na lasa sa pagkain.
Walang bitamina ang olive oil - Hindi totoo na walang bitamina ang olive oil. Sa katunayan, ito ay mayaman sa iron, vitamin K at E.
Kailangan ilagay sa refrigerator – Ang olive oil ay gaya rin ng ibang uri ng langis na kapag inilagay sa refrigerator ay maninigas. Hindi rin ito mapapanis kung ilalagay lang sa lugar na may tamang temperature.