Refrigerator na Masuwerte

Akala n’yo wallet lang ang dinidikitan ng good luck, pati po refrigerator. Dito natin iniimbak ang pagkaing bumubuhay sa buong pamilya. Paano magkakaroon ng prosperity at wealth luck ang inyong refrigerator? Tanggalin ang mga borloloy na nakadikit dito kagaya ng cute na magnets. Huwag gawing bulletin board ang front door ng refrigerator. Iwasan ang pagpo-post dito ng picture, recipe o short notes para sa kapamilya. Sa pintuan ng refrigerator pumapasok ang  “happiness” at “prospe­rity” kaya panatilihin itong malinis at simple upang makaakit ng magandang kapalaran. Nakakabawas ng prosperity luck kung lalagyan mo ito ng magnet, posts at post it. Nakakabawas din ng relationship luck kung didikitan mo ito ng photo ng iyong loved ones. May tamang lugar sa mga iyan pero hindi sa pintuan ng refrigerator.

Itapon ang lahat ng expired o bulok nang pagkain. Panatilihin itong malinis. Ayusin ang paglalagay ng pagkain. Hindi dapat ito nagsisiksikan para makaikot nang maayos ang energy sa loob. Ayon sa Fengshui experts, money loves cold, quiet, darker place – at  refrigerator ang lugar na gugustuhing pamahayan ng wealth energy.

 

Show comments