May ‘Wealth Luck’ ba ang Wallet mo?

Last Part

Sa Fengshui, importante ang kulay ng wallet na ginagamit ninyo. Narito ang epekto ng kulay sa wallet:

Beige - Nagdudulot ng prosperity luck, pinararami ang naipong pera at lumalaki ang income.

Purple - Bukod sa ibinibigay na prosperity luck, mainam na gamitin kung nais mong sumikat sa napiling propesyon, maging kagalang-galang sa lipunan at ma-promote sa trabaho.

Anong style ang lucky sa wallet?

Ito ay dapat na mahaba (horizontal) para kapag inilagay mo ang paper money, hindi ito mababa­luktot. Para lalong maging masuwerte, kabitan ang wallet ng maliit na bell.

Material

Nagdudulot ng wealth luck ang wallet na gawa sa leather, enamel or cloth.

Show comments