Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na tatlong beses nagtangkang magpakamatay ang sikat na singer na si Frank Sinatra? Nagkaroon kasi siya ng matinding depresyon noong 1950’s. Magkakaroon siya ng concert kasama ang singing sensation na si Eddie Fisher at habang naglalakad siya ay nakita niya ang napakaraming kababaihan na naghihintay sa kanya. Ngunit sa halip na ma­ging masaya ay mas nalungkot ito kaya umuwi sa kanyang apartment at inilagay ang kanyang ulo sa kalan at saka binuksan ang gas. Masuwerteng naagapan siya ng kanyang manager habang nakasubsub sa sahig at umiiyak. Ang tatlong nasabing suicide attempt ni Sinatra ay habang nasa kalagitnaan ng kanyang mapusok na relasyon sa actress na si Ava Gardner.

 

Show comments