Surgery
Kapag ang mga sintomas ay hindi bumubuti, ang pag-oopera ay minumungkahi para tanggalin ang polyps. Ang klase ng operasyon ay depende sa laki ng polyp katulad ng polyppectomy. Isa itong outpatient operation na ginagamitan ng maliit na device o microbrider na pumuputol at nag-aalis ng sotf tissue kasama na ang mucosa.
Para sa malalaking polyps ang endoscopic sinus surgery ang ginagawa na ginagamitan ng manipis at flexible endoscope na may maliit na camera at small tools sa dulo. Pinapasok ng doctor ang endoscope sa loob ng nostrils para mahanap ang polyps at iba pang humaharang na bagay at inaalis ito. Maaaring palakihin din ng doctor ang lagusan sa sinus cavities. Ang endoscopic surgery ay karaniwang outpatient procedure.
Pagkatapos ng operasyon, nasal sprays at saline washes ay pane-prescribed para maiwasan ang pagbabalik ng polyps. Sa pangkalahatan, ang pagbabawas ng pamamaga sa nasal passages sa pamamagitan ng nasal sprays, anti allergy medications, at saline washes ay makakatulong para maiwasan ang pagbuo ulit ng nasal polyps. Sa pamamagitan ng operasyon karamihan sa mga sintomas ay nagiging positibo ang kinalabasan ngunit kung mawawala ang kakayahan sa pag-amoy ay maaaring hindi na ito maibalik pa.
Sa gamutan ng nasal polyps, katulad ng operasyon ay maaaring magresulta sa pagdurugo ng ilong. Ang operasyon ay maaari ring magresulta ng impeksyon kaya marapay na patuloy na gumamit ng steroid sprays at oral corticosteroids ay makababa ng impeksyon sa sinus.