Kulay sa bawat direksiyon Last part

South - Red at o­range ang gamitin para sumikat o kilalanin sa propesyong iyong pinasukan. Nagdadala ito ng suwerte para kilalanin ng iyong boss ang mga pagsisikap mo sa trabaho. Sa south nararapat ilagay ang mga pigurin o painting na kabayo.

West - Masuwerteng gamitin ang white, gold, silver, yellow at brown. Kapag na-energize o napagyaman ang lugar na ito ay susuwertehin ang mga anak sa kanilang pag-aaral at career. Kung may anak na tamad mag-aral, ang west sector ng bahay ang dapat i-check. Mga pangdispley na yari sa metal ang dapat idispley sa lugar na ito kagaya ng bell para lalong pasiglahin ang enerhiyang umiikot sa lugar na ito.

Northwest - Puti, gold at silver ang mga kulay na magbibigay sigla sa northwest. Ang epekto ay laging may mga taong tutulong sa inyo upang matupad ang inyong mga pangarap. Mainam din ito sa mga taong may hinahawakang mataas na posisyon sa trabaho o organisasyon para ang kanyang pamunuan ay suportahan ng kanyang tauhan.

 

Show comments