PARANG batang tinutulan ni Simon ang sabi ni Miranda, na dalawa silang heroes ni ‘Padre Tililing’ sa buhay ng smuggling queen.
“Isa lang ang real hero sa buhay mo at ako ‘yon, Miranda!”
Napapangiting niyakap ni Miranda ang mister. Naaaliw siya kay Simon.
Naaaliw din si ‘Padre Tililing’ sa karibal, para pala itong batang may topak.
“Baka nalimutan mong ako ang ama ng isisilang mo?”
“Oo na, at nagpapasalamat ako sa iyo, Simon, my love”.
“Hindi ka puwedeng bigyan ng baby ni Tililing”, giit pa ni Simon, hindi pa rin mapawi ang tampo kay Miranda.
Tumango si Miranda. “Of course, wala nang kakayahang makabuntis ang multo. Kahit sinong normal na babae ay alam ‘yan. Alam din ng mga lalaki.”
“Good, Miranda, alam mo naman pala, e”.
Hinalikan ni Miranda sa mga labi ang mister; ayaw na niyang magpatuloy ang sama ng loob at selos nito.
Para namang magic na napayapa na si Simon. Masuyong kinabig ang misis at nagbalik sa pagtulog sa loob ng tumatakbong SUV.
Sinagasa nila ang dilim ng hatinggabi at madaling araw. Sa estimate ni Miranda. mag-uumaga na silang makararating sa kanyang teritoryo sa malaking bahay sa tabing-dagat.
Halos alas-kuwatro na nang papasok sila sa Kamaynilaan. Sa mga eksperto, ang oras na ito ang pinakamapanganib sa daan.
Sa ganitong oras napakaraming nadidisgrasya habang naglalakbay.
Nagmulat ng mata si Miranda, saglit na tumanaw sa labas ng bintana ng SUV.
Nasiyahan, “Malapit-lapit na tayo, Simon.”
Nakadama ng panibagong sigla si Miranda.
Siyang-siya naman ang kalooban ni Simon na ang minamahal ay nasisiyahan.
Gayunma’y sumasalit sa diwa ni Simon ang pag-aalala. Alam na habang sila ay mabilis na naglalakbay, ang kanilang buhay ay walang kasiguruhan.
Paano kung nag-aantok na pala ang mga driver ng mga kasal;ubong na sasakyan?
Two-way traffic pa naman at sila’y nasa makitid na highway.
Isang maling kabig lang ng inaantok na driver ng kasalubong ay posibleng papatay sa kanila, kundi man pipinsala sa kanila nang matindi.
“Andoy, baka inaantok ka? Delikado”.
“H-Hindi pa po ako inaantok,” sagot ni Andoy.
Pero naghikab ito. “Hohuumm”.
Nakita ito ni Simon. “Itabi mo, Andoy. Mag-alis muna ng antok”.
“Naku, bossing, bawal pong basta tumigil dito, baka tayo mabundol ng mga kasunod!”
Si ‘Padre Tililing’ ay nakasunod pa rin, ewan kumbakit hindi nahulaan ang palapit na trahedya.
Nabundol na nga sina Miranda pero hindi ng kasunod; ang kasalubong na 10-wheeler ang bumangga sa kanila. WHAAMM.
Warak na warak ang SUV, tumilapon sina Miranda at Simon. (ITUTULOY)