Ninakawan ng halik

Panaginip: Hindi kami mag-asawa at magka­kilala sa panaginip ng aking mister. Siya ang driver ng traysikel na sinasakyan ko. Hirap na hirap ang aking asawa na mapaandar ang traysikel dahil pataas ang kalsada. Nang magbabayad na ako ng aking pamasahe ay hindi niya tinanggap ang bayad at bigla akong ni-lips to lips. Nagsisigaw ako at sinabihan ko ang driver na bastos ito pero ba’t ganoon nakangiti ako.--- EFQ

Interpretation: Hindi maganda ang relasyon ninyong mag-asawa. May pangyayari na naging dahilan upang maging indifferent kayo sa isa’t isa. Pero hindi magtatagal ang inyong away at magkakasundo rin kayo. Ito ang indikasyon doon sa ni-lips to lips ka ng driver at sinabihan mo siya ng bastos pero nakangiti ka pa rin.  Daranasin muna ninyo ang mga kabiguan at paghihirap bago makamtan ang kaginhawahan sa buhay.

Show comments