Alam n’yo ba sa Iran noong unang panahon, pinapatay ang sinumang mahuling nangangalunya o adultery? Kaya lang mayroong tuntunin sa paggawa nito batay sa Iran penal code gaya ng Article 102 nito kung saan sinasabing ang sinumang lalaking mahuhulilng nangangalunya ay kailangan ibaon sa lupa ng hanggang bewang habang ang babae naman ay dapat na ibaon sa lupa ng hanggang dibdib. Sa article 104 nakasaad na ang batong dapat gamitin dito ay dapat na hindi malaki at hindi makakapatay agad ng dalawa o tatlong beses na bato. Ngunit hindi rin naman masyadong maliit na halos hindi na siya matatawag na bato. Sa Persia noong 19th century, pinuputol nila ang katawan ng sinumang makagawa ng mabigat na kasalanan sa kanilang batas. Tinatawag nila itong “shekkeh”. Ang kriminal ay itinatali ng pabaliktad ang katawan sa isang hagdan o kaya ay sa dalawang poste at saka hahatiin ang katawan ng pahaba (lengthwise) at mahihinto ito sa ulo upang hindi tuluyang maghiwalay ang katawan. Pagkatapos ay saka isasakay ito sa kamelyo upang iparada sa komunidad. Kung mabibigyan ng awa ang kriminal, puputulin na lang ang kanyang ulo upang hindi makilala ng publiko pero ipaparada pa rin ang kanyang katawan.