Ang Korte ng Baba (3)

Square na baba: Ito ang tipo ng taong kung ano ang gusto niya ay iyon ang gagawin. Sutil kasi.Wala sa kanya ‘yung pagbibigyan niya ang isang pakiusap o kaya ay makikipag-negotiate para makapagbigayan sa isa’t isa. Kung itim, itim lang. Walang puti o gray (pinaghalong itim at puti). Ito ang dahilan kung bakit ang may square na baba ay maraming nakakaaway. Prangka sila, praktikal mag-isip at masigla ang personalidad. Kung sobrang halata ang pagiging square ng baba, sila ay demanding at mahirap magpatawad.

 

 

Show comments