Pinatay ang pag-ibig

Panaginip: Napanaginipan ko ang lalaking minsan kong minahal. Namatay ang lalaking ito sa panaginip. Sumugod ako sa bahay nila at nag-iyak nang nag-iyak sa harap ng kanyang kabaong. Napansin kong nawala ang bangkay sa kabaong.---Lady in Sexy Lingerie

Interpretation: Ang iyong pagmamahal sa lalaking napanaginipan mo ay hindi niya sinuklian. Sa madaling salita, wala siyang gusto sa iyo. Ito more or less ang ibig sabihin na nawala ang bangkay sa kabaong. Maaaring sadya mong “pinatay” ang pag-ibig na nadarama mo sa lalaking ito dahil alam mo na wala naman itong kahihinatnan. Ito ang ibig sabihin ng kanyang kamatayan. Nilagyan mo ng closure ang pagmamahal mo sa lalaking ito.

 

Show comments