Kuan Kung

Siya ng pinakasikat na heneral sa kasaysayan ng China. Itinuturing siyang god of war. Nagdudulot ng suwerte ang pagdidipley ng kanyang figurine sa bahay, opisina, business establishments. Idispley ang kanyang imahe nang nakaharap sa entrance para protektahan ang lugar laban sa evil forces. Kapag naman inilagay sa northwestern corner ng bahay, ang sumusunod ang inyong mapapakinabangan: Makakakuha ng suporta mula sa makapangyarihang tao. Mainam sa mga pulitiko kung panahon ng eleksiyon;  mga taong nominado sa isang awarding body na kailangan ng maraming boto; o kaya sa panahon ng job promotion at marami kayong naglalaban sa iisang mataas na puwesto. Itutuloy

Show comments