Alam n’yo ba na ang laway ng tao ang mahusay na pangtanggal ng mantsang dugo sa telang silk? Ang taglay na protina mula sa laway ng tao ang siyang magtatanggal ng dugo sa telang ito. Malamig din ang telang ito kapag summer at mainit naman sa katawan kapag winter o tag-lamig. Kaya naman tinatawag ito na “self-adjusting fabric”.
Inirerekomenda rin ang telang ito na gamitin ng mga taong mayroong “dust mite allergies” dahil natural itong “hypoallergenic”. Hindi kasi kayang tumagal ng mga dust mites, amag at fungus sa telang silk. Noong unang panahon sa China, pinapatawan ng parusang kamatayan ang sinumang mahuli na nagpupuslit palabas ng kanilang bansa ng mga silkworms at telang silk.