Depresyon (1)

Isang nakalulungkot na balita ang nangyari noong nakaraang linggo sa mundo ng showbusiness dahil sa pagkamatay ng isang batikang actor na si Robin Williams. Siya ay gumanap sa mga pelikulang  Jumanji, Good Will Hunting, Flubber, Mrs. Doubtfire at marami pang iba na pumatok sa takilya. Natagpuan siyang wala ng buhay sa kanyang bahay. Ayon sa mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagpanaw ay pagpapatiwakal dulot ng matinding depresyon. Sa kabila ng kanyang pagpapatawa sa pinilakang tabing at telebisyon ay nakatago ang lungkot sa kanyang buhay na naglaon ay hindi niya kinaya  at nauwi sa pagkagumon sa alak na resulta ng matinding depresyon.  Ano nga ba depresyon at bakit humahantong sa kamatayan ang nakararanas nito?

Major Depressive Disorder (kilala rin ito sa pangalang Major Depression, Clinical Depression) – Isa itong depresyon na ang sintomas ay nararanasan sa buong araw o araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Ang karaniwang sintomas nito ay pagiging malulungkutin, pagkawala ng interes o gana sa mga ginagawa. Mga iba pang sintomas kagaya ng:

                                                       Itutuloy

Show comments