Feng shui tips

Hindi maganda ang tatlong bato ng diamond sa engagement ring. Maganda kung nag-iisa ang bato dahil ito’y simbolo na ikaw lang ang tanging pag-ibig ng iyong mapapangasawa. Okey din ang dalawang bato dahil ito ay sinisimbolo ng dalawang taong nagmamahalan—kayo ng mahal mo. Ang tatlo ay nagpapahayag ng love triangle. Dagdag pa rito, mas mainam ang isang malaking diamond. Mas malaki, mas malakas ang energy na naibibigay nito sa magsusuot. 

Magdispley ka ng figurine ng rooster sa iyong office desk upang hindi ka intrigahin. Ang rooster ay may palong. Kung walang palong, ito ay manok. Walang effect kung figurine ng manok ang iyong gagamitin

Sa naghahanap ng mapapangasawa, pasiglahin mo ang southwest corner sa pamamagitan ng paglalagay mo rito ng lamp shade na 5 feet high. Buksan ang ilaw sa magdamag hangga’t hindi natutupad ang ninanais. Paligiran mo ang iyong kuwarto ng pares na paruparo,  ibon, ducks. Huwag magdidispley ng mababagsik na hayop.

Show comments