Alam n’yo ba na ang unang “cook stove” ay naimbento at ginamit sa Pennyslvania noong 1765? Naipakilala sa publiko ang gas range noong 1850’s ngunit hindi naman ito tinangkilik ng mga may bahay o kababaihan dahil sa takot sa biglaang pagsiklab ng apoy na inilalabas nito. Si dating U.S. President Millard Fillmore at ang misis nitong si Abigail ang unang naglagay ng cooking stove sa White House, kaya naman hindi nakaangal ang mga cook dito. Pinaturuan ng mag-asawang Fillmore ang mga cook kung paano gamitin ang stove. Bago naipakilala ang gas stove dito ay iniluluto nila ang pagkain ng mga pangulo ng Amerika sa kahoy lamang. Ang “ice cream” sundae ay ipinangalan mula sa Evanston. Ang Brazil ang nangungunang bansa na nagpo-produce ng baka sa buong mundo. Si Hernando Cortez ang unang nagdala ng baka sa North America noong 1519. Mayroong siyam na tao na nakalista sa whitepages.com na may apelyidong “Beef”.