Kilalanin ang 12 Sun Signs (5)

LEO

Kadalasa’y maganda ang hitsura ng mga Leo, ismarte, ambisyoso, mapagbigay, prangka, maawain, may tiwala sa sarili at walang kinatatakutan.

Sa isang umpukan, madalas ay Leo ang nag-i-stand out sa grupo dahil bukod sa maayos na hitsura ay nagtataglay siya ng aura ng isang lider. Palibhasa’y matalino kaya may pagkakataong nagiging mayabang. Masuwerte sila sa pera. ‘Yun bang maraming pinagkakakitaan. Pero gastador kaya pagtanda ay naghihirap dahil hindi nag-ipon. Romantic lover ang Leo at tapat sa minamahal hanggang sa kanyang huling hininga. Mag-ingat siya sa mga kaibigang  doble-kara.

Bagay pakasalan ng Leo ang Aries, Sagittarius, Gemini, Libra o Aquarius. Susuwertehin sa pag-aasawa ang Leo lady kung sa isang binatang Arian magpapakasal. Ang Linggo, Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes ay masuwerte ngunit hindi ang Lunes at Sabado. Lucky ang 1, 4, 5, 6, 9 pero hindi ang 2, 7, 8, 3. Lucky ang white, orange, red at green pero hindi ang blue at black.

Show comments