Type ang girlfriend ni kuya

Dear Vanezza,

I’m Pau, 20. Mayroon akong gf pero hindi ako masyadong serious sa kanya. Niligawan ko lang siya dahil ayokong ma-out of place sa barkada na may mga siyota na lahat. Ayaw ko namang sumama sa mga gimik na walang ka-partner kaya niligawan ko siya. Maganda naman siya  pero wala talaga akong feelings. Puro sexual desire lang ang nadarama ko sa kanya. Isang araw, dumating sa bahay ang kuya ko kasama ang isang magandang girl. Ipinakilala niya ito sa amin. Ang ganda-ganda talaga niya at tumibok ang puso ko agad lalo na ng magngitian kami at mag-shake hands. Welcome na welcome siya sa parents namin at madalas na siya magpunta sa bahay namin. Naikuwento ko sa aking best friend na may feelings ako sa gf ng kuya ko. Sabi ng kaibigan ko, hindi pa naman daw sila kasal ng kuya ko at may karapatan pa raw akong manligaw. Anong say mo? Dapat ko ba itong gawin?

Dear Pau,

Kung karapatan ang pag-uusapan, may karapatan ka na manligaw sa gf ng kuya mo. Pero handa mo bang ipagpalit ang maganda ni’yong relasyon ng iyong kapatid dahil lang sa isang babae? Bagamat may kasabihan na “all is fair in love and in war”, kaya mo bang sulutin ang mahal ng iyong kapatid? “Ang kay Pedro kay Pedro” kaya mabuting kalimutan mo na anuman ang nararamdaman mo sa gf ng utol mo. I’m sure attraction at first sight lang ‘yan at hindi genuine love. Love takes time to develop. You need to know the person very well bago umusbong ang pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments