Ang Numero ng mga Anghel (14)

Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero, narito ang ibig sabihin ng mga  nakita mo. Kasama rito ang numerong  nakikita sa digital clock:

776 or 766 – Tama ang iniisip at ginagawa mo tungo sa katuparan ng iyong mga pangarap. Keep up the great work!

778 or 788  - Kung kinukutuban ka na mawawalan ka ng trabaho o magkakahiwalay na kayo ng karelasyon, ang pagpapakita sa iyo  ng 778 or 788 ay nagpapahayag na totoo ang iyong kutob. Pero huwag kang malungkot dahil mapapalitan lang ito ng mas magandang trabaho o karelasyong mas magdudulot sa iyo ng kaligayahan.

779 or 799 - Congratulations! Tinanggal mo na ang mga bagay na hindi maganda sa iyong pagkatao. Nais mo kasing paunlarin ang iyong pagkatao.

700 or 770 – Pinaparamdam sa iyo ng Maykapal na ipagpatuloy lang ang mabubuti mong ginagawa.

Show comments