Ang Numero ng mga Anghel (12)

Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero, narito ang ibig sabihin ng mga  nakita mo. Kasama rito ang numerong  nakikita sa digital clock:

666 – Ang mga ginagawang kabutihan ay tiyak na magreresulta ng pagtanggap na material reward.

611 or 661 – May gumugulo sa iyong isipan na may kaugnayan sa pera o anumang material na bagay. Idalangin na huwag ka sanang maapektuhan ng ganitong klaseng alalahanin.

622 or 662 – Makakamit mo na ang isang bagay na noon mo pa pinapangarap.

663 or 633 – Magkakapera ka upang gamitin sa pagtulong mo sa iyong kapwa.

644 or 664 – Isurender mo sa Diyos ang iyong mga problema.

665 or 655 – Makakamit na ang pangarap na sariling bahay o sasakyan.

667 or 677 - Ipagpatuloy lang ang magagandang gawain.

668 or 688; 669 or 699 – Kung nagpasiya kang itigil na ang pagiging materyoso sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit na kay tagal mong kinahumalingan—then, ito ang senyales na ang pinakamimithi mong wish ay matutupad.

600 or 660 – Ang konsentrasyon ay ituon sa espirit­wal kaysa material na bagay. Sa ganitong paraan, lalo kang magkakamit ng grasyang hindi mo inaasahan.

Show comments