Beauty tips ng mga haponesa

Kung kagandahan ang pag-uusapan, isa ang mga Haponesa sa mapagkukunan ng paraan kung paano nila napapanatili ang kanilang kagandahan at kakinisan ng balat. Hindi mo naman kailangan na tumira o manatili sa Japan para lang maging kagaya nila. Marami mga produktong available para magamit mo gaya ng face cream, eye cream, mask etc.  Ang mga produktong ito ang nangangalaga para magkaroon ng malusog at makinis na balat. Narito ang ilang tips para magkaroon ng kagandahang gaya ng isang Haponesa.

Vitamin C - Itinuturing ng mga Hapon na mahusay sa balat ang vitamin C kaya naman palagi silang kumakain ng orange para maalis nito ang mga melanin sa balat  para sila ay ma­ging maputi at makinis.

 Azuki – Ito ay isang klase ng red bean. Ginagamit itong pampaganda ng mga Haponesa noong unang panahon pa. Ikinukuskos nila ito sa kanilang mukha at ibang bahagi ng katawan para maging malambot at makinis ang kanilang mukhat at balat.

Mineral Oil –  Nagpapahid din sila ng mineral oil kaysa sa ordinaryong oil sa mukha. Ito ay magagamit upang malinis ng maayos ang mukha at makakatulong din sa toning.

Komenuka rice bran –Ito ay nagpapalusog at tumutulong upang mapanatiling bata ang inyong balat. Nakakatulong din para  maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles, dark circles sa ilalim ng balat at nako-kontrol pa nito ang natural na oil ng mukha.

Herbs – Ginagamit nila upang pangalagaan ang balat. Nilalabanan nito ang panunuyo ng balat.

Exfoliation – Ito ay nagtatanggal ng panu­nuyot ng balat at inaalis ang dead skin cells sa mukha.

Wakame kelp - Ito ay isang uri ng halamang dagat sa Japan at isa sa pinakamahusay mag-alaga ng balat sa natural na paraan. Pinoprotektahan nito ang balat  laban sa UV rays mula sa sikat ng araw at polusyon at wrinkles.

Show comments